Thursday, June 11, 2009

Ninoy Aquino

Bakit hanggang ngayon hindi pa nadedeklarang National Hero ng gobyerno si Ninoy Aquino?

Hindi dahil si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay kalaban ni dating Pangulong Cory Aquino, ang asawa ni Ninoy.

Ayon kay Peter Uckung, senior historian ng National Historical Institute, pinagaaralan pa kung si Ninoy nga isang "Bayani". Pero inamin niya na marami sa mga Filipino ay kinikilala na si Ninoy na bayani dahil ang pagpatay sa kanya sa tarmac ay naging "unifiying force" para magkaisa ang mga Filipino para patalsikin sa Malacanang ang diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos.

"Para makunsidera na bayani kailangan sumailalim sa masusing pananaliksik ang kandidato sa "National Hero". Kailangan malaman at mapatunayan namin na hindi isang corrupt ang tao," ani Uckung sa aking panayam.

Ang proseso ng NHI ay kahawig rin pala ng Vatican sa pagpili ng santo.

Tama nga, pano mo masasabi na national hero eh kung corrupt naman. Mabuti naman at naisip ito ng NHI na kailangan "walang bahid ng korupsyon" ang isang itatalagang "National Hero".

Kaya kayo sa Senado at Kamara, marami sa inyo, kung hindi lahat, ay kailanman man hindi maitutiring na "national hero".

Alam ba ninyo na si Pangulong Arroyo ang nagdeklara ng August 21 na isang holiday bilang pagkilala sa kabayanihan ni Ninoy? -30-

No comments:

Post a Comment

PILAPIL POST PILIPINAS

My photo
Pasig City, Metro Manila, Philippines
A Sorsoganon by birth and by heart